Brigada Eskuwela, Isinagawa
Isinagawa ng Department of Education- Division of Calamba City sa
pakikipagtulungan ng Public Order and Safety Office, PNP- Calamba,
CCTMO, mga Sangguniang Barangay, mga guro, ilan sa mga volunteers at
magulang ng mga mag-aaral ang Brigada Eskuwela sa iba’t- ibang mga
pampublikong paaralan sa lungsod. Sinuportahan ang Oplan Brigada
Eskuwela nina Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr.
Pinangunahan ni Dra. Eugenia Gorgon ng DepEd- Division of Calamba City
kabalikat ang mga guro, principal, magulang at ilan sa mga volunteer sa
isinagawang Oplan Brigada Eskuwela sa mga pampublikong paaralan sa
lungsod. Ito ay isinasagawa ng DepEd
sa tuwing bago magsimula ang School Year, kung saan ay kinukumpuni ang
mga sirang gamit at classroom, naglilinis rin ng mga classroom at
paligid ng paaralan at inihahanda ito sa pagbubukas ng mga klase. Ang
Oplan Brigada Eskuwela ay isang halimbawa ng pagtutulungan ng iba’t-
ibang sector ng lipunan para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga
mag-aaral.
Pinangasiwaan naman ng Public Order & Safety
Office sa koordinasyon sa City Transport Management Office, Philippine
National Police at sa mga Sangguniang Barangay ang kaayusan at
katahimikan lalo na noong araw ng Hunyo 2 kung saan ay pormal ng
nagbukas ang mga klase.
(Mr. Peter Capitan/Louie Landicho)
Wednesday, June 4, 2014
Tuesday, June 3, 2014
Calamba City Mayor Chipeco welcomed Celyo Rizal
Calamba City Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco welcomed Celyo Rizal in a visit headed by Reyna Yolanda Liban Manalo and some of their officers and members to the City in line with the preparations for the celebration of 153rd Dr. Jose P. Rizal’s Birth Anniversary on June 19, 2014.
The Celyo Rizal ng Buhay, katotohanan at katuwiran ni Gat. Jose Rizal sa katuparan ng Tipan ng Pangako Unibersal Pederasyon Inc. composed of huge members nationwide included the Lumad and other tribe from Cagayan Valley and of the Philippines.
The Celyo Rizal will participate and conduct their program on 153rd Dr. Jose P. Rizal’s Birth Anniversary on June 18, 2014 at LLC Auditorium.
According to Mayor Chipeco, we encourage everybody to participate in this first Buhayani Festival that will showcase Dr. Jose Rizal’s life being a Calambeňo and how he loved the World.
IIPESO Head Mr. Peter C. Capitan also welcomed the delegation of Celyo Rizal in his office, as one of the member of the technical working group of this Buhayani Festival organized by the City Government of Calamba through City Tourism, Cultural Affairs & Sports Development Office.
(Mr. Peter C. Capitan/
www.facebook.com/calambacityinformationoffice)
Calamba City Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco welcomed Celyo Rizal in a visit headed by Reyna Yolanda Liban Manalo and some of their officers and members to the City in line with the preparations for the celebration of 153rd Dr. Jose P. Rizal’s Birth Anniversary on June 19, 2014.
The Celyo Rizal ng Buhay, katotohanan at katuwiran ni Gat. Jose Rizal sa katuparan ng Tipan ng Pangako Unibersal Pederasyon Inc. composed of huge members nationwide included the Lumad and other tribe from Cagayan Valley and of the Philippines.
The Celyo Rizal will participate and conduct their program on 153rd Dr. Jose P. Rizal’s Birth Anniversary on June 18, 2014 at LLC Auditorium.
According to Mayor Chipeco, we encourage everybody to participate in this first Buhayani Festival that will showcase Dr. Jose Rizal’s life being a Calambeňo and how he loved the World.
IIPESO Head Mr. Peter C. Capitan also welcomed the delegation of Celyo Rizal in his office, as one of the member of the technical working group of this Buhayani Festival organized by the City Government of Calamba through City Tourism, Cultural Affairs & Sports Development Office.
(Mr. Peter C. Capitan/
www.facebook.com/calambacityinformationoffice)
Thursday, May 1, 2014
Labor Day Job Fair, Isinagawa sa Calamba City
Ang
Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Justin Marc
“Timmy” SB. Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ay nagsasagawa ng Local
& Overseas Job Fair na may temang “Sa Sipag, Tiyaga at Talino,
Buong Mundo Saludo sa Manggagawang
Pilipino” na nagaganap ngayon sa SM City Calamba Cyberzone, 2nd Floor
Level sa Labor Day, Mayo 1, 2014, ito ay sa pamamagitan ng Information,
Investment Promotions & Employment Services Office (IIPESO),
Department of Labor & Employment (DOLE- Region IV-A) at ng SM City
Calamba.
Ayon kay IIPESO Department Head Mr. Peter C. Capitan, ang Labor Day Job Fair ay taunan nang isinasagawa ng Department of Labor & Employment sa pamamagitan ng mga PESO Office sa buong bansa. Para sa mga residente ng Laguna, ito ay isasagawa sa SM City Calamba, SM City Sta. Rosa at SM City San Pablo, dagdag pa ni Mr. Capitan.
Ang Job Fair na ito ay lalahukan ng mga local, multi-national companies para sa local employment at mga overseas manpower agencies para sa overseas employment. Ang mga fresh graduates, skilled workers at lahat ng mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho ay hinihikayat na makiisa sa Job Fair na ito na magsisimula ng ganap na 8:00 ng umaga hanggang hapon ng Mayo 1, 2014, ayon pa rin ito kay IIPESO Department Head Mr. Capitan.
(LOUIE LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).
Ayon kay IIPESO Department Head Mr. Peter C. Capitan, ang Labor Day Job Fair ay taunan nang isinasagawa ng Department of Labor & Employment sa pamamagitan ng mga PESO Office sa buong bansa. Para sa mga residente ng Laguna, ito ay isasagawa sa SM City Calamba, SM City Sta. Rosa at SM City San Pablo, dagdag pa ni Mr. Capitan.
Ang Job Fair na ito ay lalahukan ng mga local, multi-national companies para sa local employment at mga overseas manpower agencies para sa overseas employment. Ang mga fresh graduates, skilled workers at lahat ng mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho ay hinihikayat na makiisa sa Job Fair na ito na magsisimula ng ganap na 8:00 ng umaga hanggang hapon ng Mayo 1, 2014, ayon pa rin ito kay IIPESO Department Head Mr. Capitan.
(LOUIE LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).
Monday, April 28, 2014
LABOR DAY JOB FAIR, ISASAGAWA SA CALAMBA CITY
Ang
Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB.
Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ay magsasagawa ng Local & Overseas Job
Fair na may temang “Trabaho Sa Bawat
Calambeño” na gaganapin sa SM City
Calamba Cyberzone, 2nd Floor Level sa Labor Day, Mayo 1, 2014, ito
ay sa pamamagitan ng Information, Investment Promotions & Employment
Services Office (IIPESO), Department of Labor & Employment (DOLE- Region
IV-A) at ng SM City Calamba.
Ayon kay IIPESO Department Head Mr.
Peter C. Capitan, ang Labor Day Job Fair ay taunan nang isinasagawa ng
Department of Labor & Employment sa pamamagitan ng mga PESO Office sa buong
bansa. Para sa mga residente ng Laguna, ito ay isasagawa sa SM City Calamba, SM
City Sta. Rosa at SM City San Pablo, dagdag pa ni Mr. Capitan.
Ang Job Fair na ito ay lalahukan ng
mga local, multi-national companies para sa local employment at mga overseas
manpower agencies para sa overseas employment.
Ang mga fresh graduates, skilled workers at lahat ng mga mamamayan na
nangangailangan ng trabaho ay hinihikayat na makiisa sa Job Fair na ito na
magsisimula ng ganap na 8:00 ng umaga hanggang hapon ng Mayo 1, 2014, ayon pa
rin ito kay IIPESO Department Head Mr. Capitan.
(LOUIE
LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).
S.P.E.S. Orientation, Isinagawa ng IIPESO Office
Isinagawa ng Information, Investment
Promotions & Employment Services Office (IIPESO) sa pakikipagtulungan ng
Department of Labor & Employment (DOLE- Region IV-A) ang Orientation
program para sa mahigit na pitong daang (700) mag-aaral na beneficiaries ng
Special Program for the Employment of Students (S.P.E.S.) at ng Special Program
for the Employment of Disabled Students (S.P.E.D.) para naman sa mga mag-aaral
na may mga kapansanan. Ang Orientation program ay dinaluhan nina Mayor Justin
Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, City Councilors Santiago
Atienza, Ruth Mariano Hernandez at Ma. Virginia Alcasid at DOLE- Region IV-A
Senior Officer Mrs. Malabanan, na pinangasiwaan naman ng IIPESO Office sa pangunguna
ni IIPESO Department Head Mr. Peter C. Capitan na ginanap sa L.L.C. Auditorium
ng Calamba Elementary School noong Abril 22, 2014.
Nagbigay ng kani- kanilang mensahe
sina Mayor Chipeco, Vice Mayor Rizal at mga City Councilors na dumalo sa
programa. Ayon kay Mayor Chipeco, marapat lamang na huwag sayangin ng mga
kabataan ang mga pagkakataon na nagkakaroon ng ganitong programa ang pamahalaan
na malaki ang kanilang maitutulong para sa kanilang mga magulang sa kanilang mga gastusin sa pag-aaral kaysa nasa
bahay lamang sa panahon ng bakasyon. Sinabi rin ni Mayor Chipeco sa kanyang
mensahe na sinisikap ng Pamahalaang Panlungsod na makapagbigay ng serbisyo para
sa mga mamamayan kung kaya naman ay patuloy na isinasagawa ang Serbisyo Caravan
sa mga barangay ng lungsod dahil hangad niya na mapaayos at mapaganda ang
lungsod. Ayon naman kay Vice Mayor Rizal, na ang tagumpay ay makakamit ng mga
kabataan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pangarap at ito ay naaayon sa
kanilang pagsisikap na makamit ito. Nagbahagi rin ng kani- kanilang mensahe ng
tagumpay ang mga dating beneficiaries ng SPES/ SPED program upang mabigyan ng
inspirasyon ang mga bagong beneficiaries.
Ayon naman kay DOLE- Region IV-A
Senior Officer Mrs. Malabanan, mapalad ang mga Calambeňo dahil ang Pamahalaang
Panlungsod ng Calamba ay pinaka- supportive sa mga programa at proyekto na
tulad nito na ang higit na nakikinabang ay ang mga mamamayan. Binigyan pansin
naman ni IIPESO Department Head Mr. Peter Capitan sa kanyang mensahe ang mga
SPES Program duties & responsibilities, salaries briefing para sa kaalaman
ng mga mag-aaral at magulang.
Ang Special Program for the Employment
of Students (S.P.E.S.) at ang Special Program for the Employment of Disabled
Students (S.P.E.D.) ay programa para sa mga mag-aaral na magkaroon “Summer
Jobs” tuwing bakasyon na ang kanilang magiging salary rito ay makakatulong
naman sa kanilang mga magulang sa kanilang mga gastusin sa kanilang pag-aaral.
Ang programang ito ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng IIPESO Office at
DOLE- Region IV-A sa pagsuporta nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor
Roseller H. Rizal at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M.
Chipeco, Jr.
(LOUIE
LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).
Sunday, April 20, 2014
Ika- 13 Taong Anibersaryo
ng pagiging Lungsod ng Calamba, Ipagdiriwang ngayong Araw, Buhayani Festival,
Ilulunsad
Ipagdiriwang ngayong araw na
ito, April 21, 2014 ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pangunguna nina
Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, Sangguniang
Panlungsod at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco,
Jr. ang ika- 13 Taong Anibersaryo ng pagiging lungsod nito na gaganapin sa
Calamba City Hall. Ipapahayag ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco ang kanyang
State of the City Address o ang taunang pag-uulat sa bayan. Ilulunsad rin ng
Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamamagitan ng City Tourism, Cultural
Affairs & Sports Development Office ang Buhayani Festival.
Sa kanyang State of the City
Address, inaasahang ipahahayag ni Mayor
Justin Marc SB. Chipeco ang mga accomplishment report ng nakaraang mga taon,
ang mga kasalukuyang mga ipinatutupad na programa at proyekto ng Pamahalaang
Panlungsod tulad ng Serbisyo Caravan at iba pa, inaasahan rin ng ipahahayag rin
ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga magagandang mga mangyayari sa
hinaharap ng lungsod tulad ng pagiging Regional Government Center at ang
pagpapagawa ng Calamba City Sports & Multipurpose Center at marami pang
iba.
Ilulunsad rin ng Pamahalaang
Panlungsod ng Calamba ang Buhayani Festival kung saan itatampok rito ang
kuwento at mga aral mula sa buhay at kabayanihan ng ating Pambansang Bayani na
si Gat. Jose P. Rizal sa pamamagitan ng isang festival.
Naging ganap na lungsod ang Calamba
noong April 21, 2001 sa bisa ng Republic Act No. 9024 na naisabatas sa
pamamagitan ni Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco,
Jr., ang ama ng Calamba Cityhood.
Sunday, April 13, 2014
Oplan SUMVAC 2014 inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba
Oplan SUMVAC 2014 inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba
Pormal na inilunsad nina Calamba City Vice Mayor Roseller H. Rizal,Retired Col. Nestor Dela Cueva (OIC-POSO) at Mr. Andy Desepida ng CCTMO ang Oplan Summer Vacation 2014 sapakikipagtulungan ng Mayor's Office, IIPESO Office, GSO Office, City Health Office, Calamba City PNP, BFP-Calamba, ilan sa mga Non Government Organization (NGO's) sa lungsod at mga Sangguniang Barangay na maaaring pasyalan at mapagbakasyunan ng mga turista partikular ang mga Barangay ng Pansol, Bucal at Bagong Kalsada ngayong araw Abril 14, 2014.
Sisimulan ang Lakbay- Alalay sa mga motorista at turista mula Abril 16 hanggang Abril 20, 2014 sa mga pangunahing lansangan tulad ng National Highway mula sa Barangay Halang hanggang Bagong Kalsada, gayundin sa National Highway mula sa Barangay Real hanggang Makiling. Sa mga nabanggit na lugar ay magkakaroon ng mga Booth para sa mga Medical Assistance, Information at Emergency Response Team.
Ang Oplan SUMVAC 2014 ay programa ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Justin Marc "Timmy" SB. Chipeco.
Para sa mga karagdagang detalye at emergency assistance ay makipag- ugnayan sa mga numero bilang (049) 545- 6789 local 8024-8026.
Wednesday, March 12, 2014
Women’s Month 2014, Ipinagdiwang
Women’s Month
2014, Ipinagdiwang
Pinangunahan nina Mayor Justin Marc
SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod at Department Heads ng Pamahalaang Panlungsod ang paglulunsad ng
month- long Celebration ng Women’s Month 2014 na may temang “Juana, ang tatag
mo ay tatag natin sa pagbangon at pagsulong” na ginanap sa Calamba City Hall sa
pamamagitan ng pagharana at pagbibigay ng mga bulaklak ng mga kawaning lalaki
sa mga kawaning babae na ginanap noong Marso 3, 2014.
Nagbigay ng kaalaman ukol sa
kasaysayan ng pagkakaroon ng Women’s Month Celebration si IIPESO Head Mr. Peter
C. Capitan, na nagsimula noong 1970 nang kilalanin ng United Nation ang
pagkakaroon ng International Women’s Month. Sa ating bansa, ito ay nagsimula
noong 1988, sa bisa ng Proclamation No. 2024 at 2027, na naging ganap na batas
noong 2010 sa bisa ng Republic Act 6949, ayon pa rin kay Mr. Capitan. Nagbigay
rin ng kani- kanilang mensahe bilang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga sa
mga kababaihan sina Mayor Justin Marc SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller H.
Rizal. Ayon sa mensahe ni Mayor Chipeco na marapat lamang na ipaglaban ng mga
kababaihan ang kanilang mga karapatan, pagkakapantay- pantay ng lalaki at babae
at labanan ang diskriminasyon against womens. Bumati rin si Mayor Chipeco ng
Happy Women’s Month sa lahat ng mga kababaihan. Binati naman at kinilala ni
Vice Mayor Ross Rizal ang Gender and Development Council dahil sa mga programa
at proyekto nito para sa mga kababaihan (c/o
Radyo Calambeño).
Bukod sa mga bulaklak, tumanggap rin ng mga chocolates na regalo ang lahat ng
mga kawaning babae handog ni Mayor Chipeco.
Ipinakilala rin sa publiko ang mga
naggagandahang Finalist Contestants para sa Mrs. Gandang Buntis 2014 na ang
Grand Coronation Day ay sa March 14, 2014 sa SM City- Calamba.
Ang ilan pa sa mga programa at
proyekto kaugnay sa month-long celebration ng Women’s Month 2014 ay ang mga
sumusunod; Pampering Moments sa DILG Conference Room- March 3, Free Blood
Chemistry Schedules: March 3, 7, 10, 14, 17, 21, 24, 28 at 31 sa Calamba City
Hall, Mrs. Gandang Buntis 2014 Grand Coronation Day- March 14 sa SM City, Free
Notarial Services for Solo Parent- March 3- 28 sa City Legal Office, Sports
fest for Civic Society Organization- March 28 sa The Plaza, Solo Parent Dinner
Date with Mayor Timmy Chipeco sa March 31 na may temang “Katuwang mo sa inyong
pag-iisa”, Culminating Activity at Physical Fitness sa March 31.
Ang lahat ng mga programa at proyekto
kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month 2014 ay inihanda ng Gender and
Development Focal Point System, na handog sa mga mamamayan at kababaihan ni
Mayor Justin Marc SB. Chipeco at Sangguniang Panlungsod.
LOUIE LANDICHO/www.calambacityinformationoffice.blogspot.com
Tuesday, March 11, 2014
48th Fire Prevention Month 2014
48th
Fire Prevention Month 2014
Pinangunahan nina Mayor Justin Marc
SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal at City Fire Marshall Chief Inspector
Gerrandie Agonos ng Bureau of Fire Protection- Calamba City ang mga paghahanda
para sa 48th Fire Prevention Month 2014 na may temang “Isulong ang
kaunlaran, Sunog ay iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailangan” sa
pamamagitan ng isinagawang Fire Olympics 1st at 2nd
Encounter noong Marso 1 at 7, 2014 sa The Plaza.
Sinimulan ang programa sa isang parada
kung saan ipinarada ng Calamba City Fire Station ang mga Fire Trucks nito
kasama ang mga Barangay Fire Brigade Teams at kanilang mga Muses na mula sa
iba’t- ibang mga barangay ng lungsod at ang City Brass Band. Nagbigay ng
panimulang mensahe si Vice Mayor Roseller H. Rizal, matapos nito ay ipinakilala
ni City Fire Marshall Gerrandie Agonos ang mga kalahok at kanilang Muses sa
Fire Olympics. Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Justin Marc SB. Chipeco at
kanyang pormal na binuksan ang patimpalak sa pamamagitan ng isinagawang
ceremonial shooting of Water Target.. Nanumpa naman ng Oath of Sportsmanship
ang lahat ng mga kalahok na pinangunahan ni Provincial Director Supt. Erlinda
Tobias ng BFP- Region IV-A.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si
Supt. Reynaldo Lorenzo, ang Operations Manager ng Bureau of Fire Protection-
Region IV-A. Ang mga kalahok sa Fire Olympics na ito ay mula sa mga Barangay
Fire Brigade Team ng iba’t- ibang mga barangay, ilan sa mga civic society
groups at ilan sa mga industrial sector ng lungsod.
Nagwagi sa Fire Olympics 2014 ay ang
mga sumusunod; Industrial Category: Over- All Champion- Agchem Mfg. Corp.,
Over- All 1st Place- TCB Royal Industries Inc., Over- All 2nd
Place- Samsung Electromechanics, Miss Fire Olympics 2014- Ms. Manila Cordage
Company, Best in Uniform- Techlog Center Philippines. Barangay Category: Over-
All Champion- Brgy. Sucol, Over- All 1st Place- Brgy. Parian, Over-
All 2nd Place- Brgy. Looc, Miss Fire Olympics 2014- Ms. Brgy.
Paciano Rizal, Best in Uniform- Brgy. Mayapa. Open Category: Over- All
Champion- Philippine Streetwatch Inc., Over- All 1st Place- Bagwis
Riders Group, Over- All 2nd Place- Kabalikat Charity Civic
Communicator Inc., Miss Fire Olympics 2014- Ms. Kabalikat Charity Civic
Communicator Inc., Best in Uniform-
Philippine Streetwatch Inc. Layunin nito na palawakin pa ang mga
kaalaman at awareness ng mga mamamayan para ang sunog ay maiwasan. Nanawagan
rin ang Calamba City Fire Station na maging handa at maingat upang ang
pagkakaroon ng sakuna na sunog ay maiwasan. Kaugnay nito ay nagsagawa rin ng
Barangay Fire Brigade Competency Training ang Calamba City Fire Station para sa
mga Barangay Public Safety Officer ng bawat barangay noong Pebrero 25- 26,
2014.
LOUIE LANDICHO / www.calambacityinformationoffice.blogspot.com
Barangay Fire Brigade Competency Training, Isinagawa ng Calamba City Fire Station
Barangay Fire
Brigade Competency Training, Isinagawa
ng Calamba City Fire Station
Kaugnay sa maagang paghahanda sa
Fire Prevention Month 2014 na may temang “Isulong ang kaunlaran, Sunog ay
iwasan, Kaalaman at pag-iingat ang kailangan”, nagsagawa ng Barangay Fire
Brigade Competency Training para sa mga Barangay Public Safety Officers ng mga
barangay ng lungsod ang Calamba City Fire Station sa pangunguna ni City Fire
Marshall Gerrandie Agonos sa pakikipagtulungan ng ISLA LPG na naganap sa 3rd
Floor Lobby ng Calamba City Hall noong Pebrero 25- 26, 2014.
Ang training ay pagbibigay ng
karagdagang kaalaman at kahandaan para sa mga Barangay Safety Officers ng bawat
barangay ng lungsod sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangan ng kanilang
tulong sa panahon ng sakuna, na sinuportahan nina 2nd District of
Laguna Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr., Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice
Mayor Roseller H. Rizal at ng Sangguniang Panlungsod. Ilan sa mga tinalakay sa
training na ito ay ang mga hakbang ng pagbibigay ng Basic First Aid, tamang
paghawak o pag-responde sa panahon ng mga emergency at iba pang mga crisis
management procedures.
Dumalo at nagbigay ng mensahe si Mr.
Jeffrey Rodriguez ng Public Affairs Office. Ipinakilala naman ni CINSP Geranndie S. Agonos, BFP Fire Marshall ang mga nagsitapos sa nasabing pagsasanay kay Mayor Justin
Marc SB. Chipeco.
Sa talumpati ni Mayor Chipeco kanyang pinasalamatan ang mga kalahok sa pagsasanay dahil dahil ito'y magagamit ang kanilang mga kaalaman sa pagsawata ng sunog o anumang sakuna sa kanilang mga nasasakupan.
Ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba ay laging nakasuporta
sa mga ganitong programa na nakadaragdag ng kaalaman ng mga mamamayan lalo
at higit sa mga kaalaman kaugnay sa mga
pag-iingat at kahandaan sa mga sakuna. Naniniwala si Mayor Chipeco na ang taong
may sapat na kaalaman at kakayahan ay makakaiwas sa mga sakuna na maaaring
dumating, sa ganitong paraan ay magpapatuloy ang kaunlaran at kaligtasan ng
kabuhayan at mamamayang Calambeño. LOUIE LANDICHO / www.calambacityinformationoffice.blogspot.com
Monday, March 3, 2014
Dugo kong Alay, pang Sagip Buhay
Dugo kong Alay, pang Sagip Buhay
Walumpu’t-
tatlong (83) Bags ng Dugo ang nalikom sa mahigit na pitumpung (70) Blood Donors
sa Blood- Letting Project na may temang “Dugo kong Alay, pang Sagip Buhay” na
handog ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco sa pamamagitan ng Sectoral Affairs
Office sa pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross- Calamba City
Chapter at Association of Calamba Leaders (ASCALS)
na
naganap sa Calamba City Hall noong Pebrero 26, 2014.
Mahigit sa isang daa’t- limampu
(150) ang nakiisa sa blood- letting project na ito ngunit mahigit sa (70)
lamang ang puwedeng makapag- donate ng kanilang dugo, ito ay dahil sa ang ibang
donor ay pagod o puyat o hindi healthy ang kanilang dugo kung kaya ang iba ay
hindi pinayagan na makapag- donate, ayon sa volunteer doctor na si Dr. Roel
Justin Reoyan na nagmula pa sa Muntinlupa City.
Ayon kay Ms. Millet Revano ng
Sectoral Affairs Office, ang blood- letting project ay isinagawa dahil na rin
sa kahilingan ng Philippine National Red Cross, upang matugunan ang tumataas na
demand ng mga nangangailangan ng dugo sa ating mga kababayan. Ang pagdo- donate
ng dugo ay nakatutulong sa donor na makapagre-generate ng bagong dugo matapos
ang donation nito na nakapag-papaayos ng sirkulasyon o daloy ng dugo. Mabuti na
sa kalusugan ay makakatulong ka pa na makapag- sagip ng buhay ng
nangangailangan nito.
Ang mga blood donors ay binigyan ng
sopas at balot matapos ang donasyon ng dugo upang mapanumbalik ang sigla at
lakas ng mga donors. Pinasalamatan ni Ms. Millet Revano ng Sectoral Affairs
Office ang lahat ng mga donors at mga nakiisa sa blood- letting project na ito.
LOUIE LANDICHO/ www.calambacityinformationoffice.blogspot.com
Kasalang Bayan I Do, I Do. Isinagawa sa Calamba City Hall
Kasalang Bayan
I Do, I Do. Isinagawa sa Calamba City Hall
Sa pakikipagtulungan ng Pag-
ibig Fund, City Civil Registry Office, Public Affairs Office at ng Office of
the City Mayor, isang daan at dalawang (102 couples) magkasintahan ang
napakasal nang libre sa ginanap na Kasalang Bayan I Do, I Do sa Calamba City
Hall noong Pebrero 14, 2014 sa okasyon ng Valentines Day na pinangunahan ni
Mayor Justin Marc SB. Chipeco.
Sa saliw ng mga musikang love songs
na inawit nina Mr. and Mrs. Ruby San Diego ay isa- isang tinawag ang pangalan
ng Bride na nagmula sa 2nd floor level na sinalubong sa hagdan ng
kanilang Groom, nagkaroon ng photo booth session, matapos ay magkasama silang
nagtungo sa kanilang mga upuan sa City Hall Main Lobby, na ayon kay Wedding
Coordinator Mr. Dick Mendoza ay ito ang romantikong bahagi ng Kasalang Bayan.
Ang Homilya at Ceremonial Exchange of Vows ay pinangunahan ni Rev. Ernie Cereso
ng Calamba Pastors Alliance. Binigyang diin ni Rev. Ernie Cereso sa kanyang
mensahe sa Homilya, na ang mag-asawa sa oras na sila ay makasal ay kinailangan
bumukod sa kani- kanilang pamilya at magtayo ng sariling pamilya. Kinakailangan
rin na ang kanilang nadarama para sa isa’t- isa ay unconditional love, na
walang hinihinging kapalit, at ipinayo pa rin ni Rev. Cereso sa mag-asawa na
“love one another”, upang maging matatag ang kanilang pagsasama. Hindi rin
basehan ang magkaroon ng isang magarbong wedding rites upang maging matatag ang
pagsasama ng isang pamilya, dagdag pa ni Rev. Cereso.
Dumalo sa Kasalang Bayan na ito sina
City Councilor Ruth Mariano Hernandez, Atty. Robert John Cosico, Senior Vice
President for Administrative Sector at Mr. Jerome V. Badiong, Department
Manager III ng Pag- ibig Fund Region IV-A Satellite Office. Naghandog ng mga
Raffle Prizes at Gifts para sa mga bagong kasal ang Pag-ibig Fund tulad ng
Pangkabuhayan Package worth Php 25,000.00 at isang House and Lot Unit ang
maaaring mapanalunan ng masuwerteng couple.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni
Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco ang Pag- ibig Fund sa kanilang pagsuporta
sa Mass Wedding na ito na kanilang taunang isinasagawa sa Araw ng mga Puso.
Hangad ng Pamahalaang Panlungsod na maging matatag ang pagsasama ng bawat
pamilyang Calambeño sa pamamagitan ng pagpapakasal. Bilang solemnizing officer
alinsunod sa itinadhana ng saligang batas ay pinangunahan ni Mayor Timmy
Chipeco na sabihin sa mga Groom na “you may now kiss your Bride” na ikinasiya
ng lahat. Pinirmahan ni Mayor Chipeco ang mga marriage contract, nagkaroon ng
photo booth session with Mayor Timmy Chipeco at namahagi ng mga regalong pair
of towel sa bawat couple. Tatanggap rin ang bawat isang couple ng libreng
wedding photo with picture frame handog nina Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco
at 2nd District of Laguna Congressman Joaquin “Jun” Chipeco. Mabuhay
ang mga bagong kasal! LOUIE
LANDICHO/www.calambacityinformation.blogspot.com
Tuesday, February 25, 2014
Ang mga Patotoo ng bayan Patungkol sa Serbisyo Caravan.
Ang mga Patotoo ng bayan Patungkol sa Serbisyo Caravan.
Mayor Timmy Chipeco
Ako po ay bumabati sa ating kauna-unahang serbisyo caravan, gusto kong
pasalamatan ang ating host ang Barangay
Pansol sa pangunguna ng ating barangay chairman Dadang dela Cruz. Sa ating mga
konsehal, gusto kong malaman ng mga taga barangay Pansol na ito po ay
kauna-unahang nangyari dito po sa syudad ng Calamba. Ang serbisyo caravan o
mayor’s caravan ay dito po nagsimula sa barangay Pansol at ito po ang magiging
serbisyo natin sa ating mga kababayan hindi lamang dito sa barangay Pansol kung
hindi sa halos lahat ng barangay dito po
sa syudad ng Calamba. Ako po bilang inyong mayor, isa lang ang ninanais ko, ang sabi ko , hindi pepwede
na uupo ang mayor sa kanyang upuan at maghihintay ng kung anuman ang magiging problema, kami
ang pupunta sa inyo at kami ang magreresolba ng inyong problema dito sa inyong
barangay. kaya po kung mapapansin ninyo, nandito po halos lahat ng departamento ng city
government, nandito po ang halos lahat ng mga department heads ,
mga kasama sa ating city government na kami po ay
bumababa sa inyo, sapagakat gusto naming malaman ninyo,mahal namin kayong
lahat. Ang aking pakay mga kababayan ko, ang pakay ko ay mapalapit ang
serbisyo ang serbisyo ng ating gobeyerno
sa ating mga tao, kaya kung ano ang kaya naming gawin ngayon, ay
ginagawa naming lahat.may training, mayrong
health, halos lahat meron po.Yung po sa mga civil registry, sa late
registration ng birth certificate, ang mga walang birth certificate na gustong
magkaroon ng birth certificate, pwede ho naming e process po yan.Yung sa social
services naman po . may libreng gupit, manicure , pedicure, pag aaral sa ating
manpower, Sa legal, ecg, blood chemistry. Sa IIPESO, job fair, meron po tayo
skills registration program, city vet,
libre pagkakapon, housing, pagdating sa cenro, nagtatanim sila ng mga puno sa
solid waste ang tamang waste segration, city tourism, kung makikita nyo mga
kababayan, lahat ng mga serbisyo ng ating gobyerno nandito na. Sa mga senior
citizens, lahat pero ako po ay nakikusap. Sa inyo pong lahat muli ang aking
pasasalamat, mabuhay ang syudad ng Calamba! mabuhay ang serbisyo caravan!
Ito na ang template ng
public service natin..ito na ang launching natin at pupunta kami sa mga bara-barangay!
mula naman ito sa panayam kay mayor Timmy Chipeco ng Radyo Calambenyo.
Vice Mayor Ross Rizal
Magandang umaga po sa nakikinig ng Radyo Calambenyo,nandito po kami
ngayon sa barangay sa opening salvo o pagsisimula ng serbisyo caravan project ng ating minamahal na mayor Timmy Chipeco. Ang Sangguniang Panlungsod sa pngunguna
ng inyong lingkod. Isang paraan na lumapit sa tao to bring the government closer
to the people.bukas po an gaming pamahalaan na wala po kaming tinatago. Kami po
ay magpapatibay ng mga pondo. Kailangan po namin ang inyong pag subaybay. Isang
maka Dios at maka Rizal na umaga po sa inyo.
IIPESO Department
Head Mr.Peter Capitan
Napakaganda nitong
programa ng serbisyo caravan. Ilalapit natin ang programa ng city government sa
pangunguna ng ating Punong Lungsod mayor Timmy Chipeco. Siya mismo ang
nag-iinterbyu kung ano pa ang pangangailangan ng ating mga kababayan.
Public Office Head Mr. Jeff Rodriguez
Ito po ang ating Kick off ng serbisyo caravan. Ito po ay naglalayon na
maibaba ang serbisyo ng ating city
government of Calamba sa mga pangangailangan particular sa barangay level.. Ito
po ay dumating sa punto na sa pag aaaral
ng ating mayor sa kagustuhan po niya na mailapit ang kanyang
serbisyo sa ating mamamayan. Sabi po ng ating mayor kung hindi nyo po siya mapuntahan, siya po ang
pupunta sa ating barangay para dagliang matugunan ang mga
pangangailangan at dagliang malaman din
po ng ating punong lungsod ang mga pangangailangan sa ating grass root level,
yan po ang ating mga barangay. Ito po
ay regular na nakaprograma sa loob ng isang taon iikotin po namin ang 54
barangay. Masisiguro po namin na ang mga barangay ay mababaan ng mga serbisyo
ng ating mayor. Gusto ng ating mayor na
happy ang mamamayan sa Calamba city.
Kap.Sally Dela Cruz
ng Barangay Pansol
Proud na proud po ako na dito ginanap ang serbisyo caravan. Isasama na po namin sa
kasaysayan ng barangay namin ang nangyaring ito ang pagbabang serbisyo
ng butihing mayor Timmy Chipeco. Ang alam ko po ay isa sa pinaka mahusay na
paglilingkod ng bawat barangay, noong mangyari ang bagyong Yolanda, tumino sa
isipan ko ang mundo ay lalang ng Dios kung ano po nakahubog, hindi po dapat
binabago. Ang mundo ay lalang ng
Dios. Naka desenyo po ang mga bundok, gubat at kargatan at mga creek ay dapat
iniingat natin ang paraisong bigay sa atin ng Dios.
Kap.Rodney Perez ng
Barangay Parian
Napakswerte po natin
na mga taga Parian. Tayo po ang inuna. Kung ang taga Calamba ay hapi kay timmy,
kami naman na taga parian ay haping-hapy kay timmy.
Gng.Mario Mario
Diamante-Pangulo ng Senior Citizens sa Barangay Parian
Binabati ko po ang magandang programa ng ating butihing mayor at ng
Sangguniang panlunsod, nakikita ang liwanag, ang tunay na serbisyo para sa mga
taga barangay Parian. Ang gusto kong Iparating sa ating butihing mayor, Marami pa ang hindi pa member ng senior
citizens dahil sa kakulangan ng ID. Puede
po ba natin magawaan ng paraan na ang kanilang senior citizens ID kung maari ay
yong tinatawag na lang na voters ID para na lang na magkaroon sila ng senior ID
na OSCA…
Mr. Joel
Cabactulan-Publisher, Ronda Balita
Napakainit ng pagtanggap ng mga Calambeño dito sa serbisyo Caravan!
Ito naman ang reaksyon ng ating mga kababayan sa Facebook
Esen
Lim from USA:Believe na believe ako kay Mayor. I'm here in
USA.,the mother of Tess Lim Crisostomo,I'm the auntie of Sonia n Solly
Elazegui. Saludo ako sa inyô.Happy Valentine to all Calambenos !
I'm
so happy for the city of Calamba for having a mayor so dedicated to his work.
Congrats!
Wasn't able to visit the city hall last time I was in
Calamba, sayang, didn't see the mayor up close and personal! Way to go Mayor!
Belinda
Atienza: I just saw the new city hall, very nice!
Jojo Busayong/Radyo
Calambenyo/www.calambacityinformationoffice.blogspot.com
Subscribe to:
Posts (Atom)