Barangay Fire
Brigade Competency Training, Isinagawa
ng Calamba City Fire Station
Kaugnay sa maagang paghahanda sa
Fire Prevention Month 2014 na may temang “Isulong ang kaunlaran, Sunog ay
iwasan, Kaalaman at pag-iingat ang kailangan”, nagsagawa ng Barangay Fire
Brigade Competency Training para sa mga Barangay Public Safety Officers ng mga
barangay ng lungsod ang Calamba City Fire Station sa pangunguna ni City Fire
Marshall Gerrandie Agonos sa pakikipagtulungan ng ISLA LPG na naganap sa 3rd
Floor Lobby ng Calamba City Hall noong Pebrero 25- 26, 2014.
Ang training ay pagbibigay ng
karagdagang kaalaman at kahandaan para sa mga Barangay Safety Officers ng bawat
barangay ng lungsod sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangan ng kanilang
tulong sa panahon ng sakuna, na sinuportahan nina 2nd District of
Laguna Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr., Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice
Mayor Roseller H. Rizal at ng Sangguniang Panlungsod. Ilan sa mga tinalakay sa
training na ito ay ang mga hakbang ng pagbibigay ng Basic First Aid, tamang
paghawak o pag-responde sa panahon ng mga emergency at iba pang mga crisis
management procedures.
Dumalo at nagbigay ng mensahe si Mr.
Jeffrey Rodriguez ng Public Affairs Office. Ipinakilala naman ni CINSP Geranndie S. Agonos, BFP Fire Marshall ang mga nagsitapos sa nasabing pagsasanay kay Mayor Justin
Marc SB. Chipeco.
Sa talumpati ni Mayor Chipeco kanyang pinasalamatan ang mga kalahok sa pagsasanay dahil dahil ito'y magagamit ang kanilang mga kaalaman sa pagsawata ng sunog o anumang sakuna sa kanilang mga nasasakupan.
Ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba ay laging nakasuporta
sa mga ganitong programa na nakadaragdag ng kaalaman ng mga mamamayan lalo
at higit sa mga kaalaman kaugnay sa mga
pag-iingat at kahandaan sa mga sakuna. Naniniwala si Mayor Chipeco na ang taong
may sapat na kaalaman at kakayahan ay makakaiwas sa mga sakuna na maaaring
dumating, sa ganitong paraan ay magpapatuloy ang kaunlaran at kaligtasan ng
kabuhayan at mamamayang Calambeño. LOUIE LANDICHO / www.calambacityinformationoffice.blogspot.com
No comments:
Post a Comment