Wednesday, March 12, 2014

Women’s Month 2014, Ipinagdiwang





Women’s Month 2014, Ipinagdiwang

Pinangunahan nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at Department Heads ng Pamahalaang Panlungsod ang paglulunsad ng month- long Celebration ng Women’s Month 2014 na may temang “Juana, ang tatag mo ay tatag natin sa pagbangon at pagsulong” na ginanap sa Calamba City Hall sa pamamagitan ng pagharana at pagbibigay ng mga bulaklak ng mga kawaning lalaki sa mga kawaning babae na ginanap noong Marso 3, 2014.
Nagbigay ng kaalaman ukol sa kasaysayan ng pagkakaroon ng Women’s Month Celebration si IIPESO Head Mr. Peter C. Capitan, na nagsimula noong 1970 nang kilalanin ng United Nation ang pagkakaroon ng International Women’s Month. Sa ating bansa, ito ay nagsimula noong 1988, sa bisa ng Proclamation No. 2024 at 2027, na naging ganap na batas noong 2010 sa bisa ng Republic Act 6949, ayon pa rin kay Mr. Capitan. Nagbigay rin ng kani- kanilang mensahe bilang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga sa mga kababaihan sina Mayor Justin Marc SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller H. Rizal. Ayon sa mensahe ni Mayor Chipeco na marapat lamang na ipaglaban ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatan, pagkakapantay- pantay ng lalaki at babae at labanan ang diskriminasyon against womens. Bumati rin si Mayor Chipeco ng Happy Women’s Month sa lahat ng mga kababaihan. Binati naman at kinilala ni Vice Mayor Ross Rizal ang Gender and Development Council dahil sa mga programa at proyekto nito para sa mga kababaihan (c/o Radyo Calambeño). Bukod sa mga bulaklak, tumanggap rin ng mga chocolates na regalo ang lahat ng mga kawaning babae handog ni Mayor Chipeco.
Ipinakilala rin sa publiko ang mga naggagandahang Finalist Contestants para sa Mrs. Gandang Buntis 2014 na ang Grand Coronation Day ay sa March 14, 2014 sa SM City- Calamba.
Ang ilan pa sa mga programa at proyekto kaugnay sa month-long celebration ng Women’s Month 2014 ay ang mga sumusunod; Pampering Moments sa DILG Conference Room- March 3, Free Blood Chemistry Schedules: March 3, 7, 10, 14, 17, 21, 24, 28 at 31 sa Calamba City Hall, Mrs. Gandang Buntis 2014 Grand Coronation Day- March 14 sa SM City, Free Notarial Services for Solo Parent- March 3- 28 sa City Legal Office, Sports fest for Civic Society Organization- March 28 sa The Plaza, Solo Parent Dinner Date with Mayor Timmy Chipeco sa March 31 na may temang “Katuwang mo sa inyong pag-iisa”, Culminating Activity at Physical Fitness sa March 31.
Ang lahat ng mga programa at proyekto kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month 2014 ay inihanda ng Gender and Development Focal Point System, na handog sa mga mamamayan at kababaihan ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco at Sangguniang Panlungsod. 

LOUIE LANDICHO/www.calambacityinformationoffice.blogspot.com

No comments:

Post a Comment