Monday, March 3, 2014

Kasalang Bayan I Do, I Do. Isinagawa sa Calamba City Hall


Kasalang Bayan I Do, I Do. Isinagawa sa Calamba City Hall

            Sa pakikipagtulungan ng Pag- ibig Fund, City Civil Registry Office, Public Affairs Office at ng Office of the City Mayor, isang daan at dalawang (102 couples) magkasintahan ang napakasal nang libre sa ginanap na Kasalang Bayan I Do, I Do sa Calamba City Hall noong Pebrero 14, 2014 sa okasyon ng Valentines Day na pinangunahan ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco.

            Sa saliw ng mga musikang love songs na inawit nina Mr. and Mrs. Ruby San Diego ay isa- isang tinawag ang pangalan ng Bride na nagmula sa 2nd floor level na sinalubong sa hagdan ng kanilang Groom, nagkaroon ng photo booth session, matapos ay magkasama silang nagtungo sa kanilang mga upuan sa City Hall Main Lobby, na ayon kay Wedding Coordinator Mr. Dick Mendoza ay ito ang romantikong bahagi ng Kasalang Bayan. Ang Homilya at Ceremonial Exchange of Vows ay pinangunahan ni Rev. Ernie Cereso ng Calamba Pastors Alliance. Binigyang diin ni Rev. Ernie Cereso sa kanyang mensahe sa Homilya, na ang mag-asawa sa oras na sila ay makasal ay kinailangan bumukod sa kani- kanilang pamilya at magtayo ng sariling pamilya. Kinakailangan rin na ang kanilang nadarama para sa isa’t- isa ay unconditional love, na walang hinihinging kapalit, at ipinayo pa rin ni Rev. Cereso sa mag-asawa na “love one another”, upang maging matatag ang kanilang pagsasama. Hindi rin basehan ang magkaroon ng isang magarbong wedding rites upang maging matatag ang pagsasama ng isang pamilya, dagdag pa ni Rev. Cereso.

            Dumalo sa Kasalang Bayan na ito sina City Councilor Ruth Mariano Hernandez, Atty. Robert John Cosico, Senior Vice President for Administrative Sector at Mr. Jerome V. Badiong, Department Manager III ng Pag- ibig Fund Region IV-A Satellite Office. Naghandog ng mga Raffle Prizes at Gifts para sa mga bagong kasal ang Pag-ibig Fund tulad ng Pangkabuhayan Package worth Php 25,000.00 at isang House and Lot Unit ang maaaring mapanalunan ng masuwerteng couple.


            Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco ang Pag- ibig Fund sa kanilang pagsuporta sa Mass Wedding na ito na kanilang taunang isinasagawa sa Araw ng mga Puso. Hangad ng Pamahalaang Panlungsod na maging matatag ang pagsasama ng bawat pamilyang Calambeño sa pamamagitan ng pagpapakasal. Bilang solemnizing officer alinsunod sa itinadhana ng saligang batas ay pinangunahan ni Mayor Timmy Chipeco na sabihin sa mga Groom na “you may now kiss your Bride” na ikinasiya ng lahat. Pinirmahan ni Mayor Chipeco ang mga marriage contract, nagkaroon ng photo booth session with Mayor Timmy Chipeco at namahagi ng mga regalong pair of towel sa bawat couple. Tatanggap rin ang bawat isang couple ng libreng wedding photo with picture frame handog nina Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco at 2nd District of Laguna Congressman Joaquin “Jun” Chipeco. Mabuhay ang mga bagong kasal!    LOUIE LANDICHO/www.calambacityinformation.blogspot.com 

No comments:

Post a Comment