Monday, March 3, 2014

Dugo kong Alay, pang Sagip Buhay



Dugo kong Alay, pang Sagip Buhay

Walumpu’t- tatlong (83) Bags ng Dugo ang nalikom sa mahigit na pitumpung (70) Blood Donors sa Blood- Letting Project na may temang “Dugo kong Alay, pang Sagip Buhay” na handog ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco sa pamamagitan ng Sectoral Affairs Office sa pakikipagtulungan ng Philippine National Red Cross- Calamba City Chapter at Association of Calamba Leaders (ASCALS) na naganap sa Calamba City Hall noong Pebrero 26, 2014.

            Mahigit sa isang daa’t- limampu (150) ang nakiisa sa blood- letting project na ito ngunit mahigit sa (70) lamang ang puwedeng makapag- donate ng kanilang dugo, ito ay dahil sa ang ibang donor ay pagod o puyat o hindi healthy ang kanilang dugo kung kaya ang iba ay hindi pinayagan na makapag- donate, ayon sa volunteer doctor na si Dr. Roel Justin Reoyan na nagmula pa sa Muntinlupa City.

            Ayon kay Ms. Millet Revano ng Sectoral Affairs Office, ang blood- letting project ay isinagawa dahil na rin sa kahilingan ng Philippine National Red Cross, upang matugunan ang tumataas na demand ng mga nangangailangan ng dugo sa ating mga kababayan. Ang pagdo- donate ng dugo ay nakatutulong sa donor na makapagre-generate ng bagong dugo matapos ang donation nito na nakapag-papaayos ng sirkulasyon o daloy ng dugo. Mabuti na sa kalusugan ay makakatulong ka pa na makapag- sagip ng buhay ng nangangailangan nito.


            Ang mga blood donors ay binigyan ng sopas at balot matapos ang donasyon ng dugo upang mapanumbalik ang sigla at lakas ng mga donors. Pinasalamatan ni Ms. Millet Revano ng Sectoral Affairs Office ang lahat ng mga donors at mga nakiisa sa blood- letting project na ito.
                                     LOUIE LANDICHO/ www.calambacityinformationoffice.blogspot.com

No comments:

Post a Comment