Tuesday, March 11, 2014

48th Fire Prevention Month 2014



48th Fire Prevention Month 2014

Pinangunahan nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal at City Fire Marshall Chief Inspector Gerrandie Agonos ng Bureau of Fire Protection- Calamba City ang mga paghahanda para sa 48th Fire Prevention Month 2014 na may temang “Isulong ang kaunlaran, Sunog ay iwasan, Kaalaman at Pag-iingat ang Kailangan” sa pamamagitan ng isinagawang Fire Olympics 1st at 2nd Encounter noong Marso 1 at 7, 2014 sa The Plaza.
Sinimulan ang programa sa isang parada kung saan ipinarada ng Calamba City Fire Station ang mga Fire Trucks nito kasama ang mga Barangay Fire Brigade Teams at kanilang mga Muses na mula sa iba’t- ibang mga barangay ng lungsod at ang City Brass Band. Nagbigay ng panimulang mensahe si Vice Mayor Roseller H. Rizal, matapos nito ay ipinakilala ni City Fire Marshall Gerrandie Agonos ang mga kalahok at kanilang Muses sa Fire Olympics. Nagbigay rin ng mensahe si Mayor Justin Marc SB. Chipeco at kanyang pormal na binuksan ang patimpalak sa pamamagitan ng isinagawang ceremonial shooting of Water Target.. Nanumpa naman ng Oath of Sportsmanship ang lahat ng mga kalahok na pinangunahan ni Provincial Director Supt. Erlinda Tobias ng BFP- Region IV-A.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe si Supt. Reynaldo Lorenzo, ang Operations Manager ng Bureau of Fire Protection- Region IV-A. Ang mga kalahok sa Fire Olympics na ito ay mula sa mga Barangay Fire Brigade Team ng iba’t- ibang mga barangay, ilan sa mga civic society groups at ilan sa mga industrial sector ng lungsod.
Nagwagi sa Fire Olympics 2014 ay ang mga sumusunod; Industrial Category: Over- All Champion- Agchem Mfg. Corp., Over- All 1st Place- TCB Royal Industries Inc., Over- All 2nd Place- Samsung Electromechanics, Miss Fire Olympics 2014- Ms. Manila Cordage Company, Best in Uniform- Techlog Center Philippines. Barangay Category: Over- All Champion- Brgy. Sucol, Over- All 1st Place- Brgy. Parian, Over- All 2nd Place- Brgy. Looc, Miss Fire Olympics 2014- Ms. Brgy. Paciano Rizal, Best in Uniform- Brgy. Mayapa. Open Category: Over- All Champion- Philippine Streetwatch Inc., Over- All 1st Place- Bagwis Riders Group, Over- All 2nd Place- Kabalikat Charity Civic Communicator Inc., Miss Fire Olympics 2014- Ms. Kabalikat Charity Civic Communicator Inc., Best in Uniform-  Philippine Streetwatch Inc. Layunin nito na palawakin pa ang mga kaalaman at awareness ng mga mamamayan para ang sunog ay maiwasan. Nanawagan rin ang Calamba City Fire Station na maging handa at maingat upang ang pagkakaroon ng sakuna na sunog ay maiwasan. Kaugnay nito ay nagsagawa rin ng Barangay Fire Brigade Competency Training ang Calamba City Fire Station para sa mga Barangay Public Safety Officer ng bawat barangay noong Pebrero 25- 26, 2014.
LOUIE LANDICHO / www.calambacityinformationoffice.blogspot.com

No comments:

Post a Comment