Ika- 13 Taong Anibersaryo
ng pagiging Lungsod ng Calamba, Ipagdiriwang ngayong Araw, Buhayani Festival,
Ilulunsad
Ipagdiriwang ngayong araw na
ito, April 21, 2014 ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pangunguna nina
Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, Sangguniang
Panlungsod at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco,
Jr. ang ika- 13 Taong Anibersaryo ng pagiging lungsod nito na gaganapin sa
Calamba City Hall. Ipapahayag ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco ang kanyang
State of the City Address o ang taunang pag-uulat sa bayan. Ilulunsad rin ng
Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamamagitan ng City Tourism, Cultural
Affairs & Sports Development Office ang Buhayani Festival.
Sa kanyang State of the City
Address, inaasahang ipahahayag ni Mayor
Justin Marc SB. Chipeco ang mga accomplishment report ng nakaraang mga taon,
ang mga kasalukuyang mga ipinatutupad na programa at proyekto ng Pamahalaang
Panlungsod tulad ng Serbisyo Caravan at iba pa, inaasahan rin ng ipahahayag rin
ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga magagandang mga mangyayari sa
hinaharap ng lungsod tulad ng pagiging Regional Government Center at ang
pagpapagawa ng Calamba City Sports & Multipurpose Center at marami pang
iba.
Ilulunsad rin ng Pamahalaang
Panlungsod ng Calamba ang Buhayani Festival kung saan itatampok rito ang
kuwento at mga aral mula sa buhay at kabayanihan ng ating Pambansang Bayani na
si Gat. Jose P. Rizal sa pamamagitan ng isang festival.
Naging ganap na lungsod ang Calamba
noong April 21, 2001 sa bisa ng Republic Act No. 9024 na naisabatas sa
pamamagitan ni Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco,
Jr., ang ama ng Calamba Cityhood.
No comments:
Post a Comment