Brigada Eskuwela, Isinagawa
Isinagawa ng Department of Education- Division of Calamba City sa
pakikipagtulungan ng Public Order and Safety Office, PNP- Calamba,
CCTMO, mga Sangguniang Barangay, mga guro, ilan sa mga volunteers at
magulang ng mga mag-aaral ang Brigada Eskuwela sa iba’t- ibang mga
pampublikong paaralan sa lungsod. Sinuportahan ang Oplan Brigada
Eskuwela nina Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, Vice Mayor Roseller “Ross” Rizal at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr.
Pinangunahan ni Dra. Eugenia Gorgon ng DepEd- Division of Calamba City
kabalikat ang mga guro, principal, magulang at ilan sa mga volunteer sa
isinagawang Oplan Brigada Eskuwela sa mga pampublikong paaralan sa
lungsod. Ito ay isinasagawa ng DepEd
sa tuwing bago magsimula ang School Year, kung saan ay kinukumpuni ang
mga sirang gamit at classroom, naglilinis rin ng mga classroom at
paligid ng paaralan at inihahanda ito sa pagbubukas ng mga klase. Ang
Oplan Brigada Eskuwela ay isang halimbawa ng pagtutulungan ng iba’t-
ibang sector ng lipunan para sa kapakanan at kinabukasan ng ating mga
mag-aaral.
Pinangasiwaan naman ng Public Order & Safety
Office sa koordinasyon sa City Transport Management Office, Philippine
National Police at sa mga Sangguniang Barangay ang kaayusan at
katahimikan lalo na noong araw ng Hunyo 2 kung saan ay pormal ng
nagbukas ang mga klase.
(Mr. Peter Capitan/Louie Landicho)
No comments:
Post a Comment