Ang
Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Justin Marc
“Timmy” SB. Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ay nagsasagawa ng Local
& Overseas Job Fair na may temang “Sa Sipag, Tiyaga at Talino,
Buong Mundo Saludo sa Manggagawang
Pilipino” na nagaganap ngayon sa SM City Calamba Cyberzone, 2nd Floor
Level sa Labor Day, Mayo 1, 2014, ito ay sa pamamagitan ng Information,
Investment Promotions & Employment Services Office (IIPESO),
Department of Labor & Employment (DOLE- Region IV-A) at ng SM City
Calamba.
Ayon kay IIPESO Department Head Mr. Peter C. Capitan, ang Labor Day Job Fair ay taunan nang isinasagawa ng Department of Labor & Employment sa pamamagitan ng mga PESO Office sa buong bansa. Para sa mga residente ng Laguna, ito ay isasagawa sa SM City Calamba, SM City Sta. Rosa at SM City San Pablo, dagdag pa ni Mr. Capitan.
Ang Job Fair na ito ay lalahukan ng mga local, multi-national companies para sa local employment at mga overseas manpower agencies para sa overseas employment. Ang mga fresh graduates, skilled workers at lahat ng mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho ay hinihikayat na makiisa sa Job Fair na ito na magsisimula ng ganap na 8:00 ng umaga hanggang hapon ng Mayo 1, 2014, ayon pa rin ito kay IIPESO Department Head Mr. Capitan.
(LOUIE LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).

No comments:
Post a Comment