Women’s Month
2014, Ipinagdiwang
Pinangunahan nina Mayor Justin Marc
SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang
Panlungsod at Department Heads ng Pamahalaang Panlungsod ang paglulunsad ng
month- long Celebration ng Women’s Month 2014 na may temang “Juana, ang tatag
mo ay tatag natin sa pagbangon at pagsulong” na ginanap sa Calamba City Hall sa
pamamagitan ng pagharana at pagbibigay ng mga bulaklak ng mga kawaning lalaki
sa mga kawaning babae na ginanap noong Marso 3, 2014.
Nagbigay ng kaalaman ukol sa
kasaysayan ng pagkakaroon ng Women’s Month Celebration si IIPESO Head Mr. Peter
C. Capitan, na nagsimula noong 1970 nang kilalanin ng United Nation ang
pagkakaroon ng International Women’s Month. Sa ating bansa, ito ay nagsimula
noong 1988, sa bisa ng Proclamation No. 2024 at 2027, na naging ganap na batas
noong 2010 sa bisa ng Republic Act 6949, ayon pa rin kay Mr. Capitan. Nagbigay
rin ng kani- kanilang mensahe bilang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga sa
mga kababaihan sina Mayor Justin Marc SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller H.
Rizal. Ayon sa mensahe ni Mayor Chipeco na marapat lamang na ipaglaban ng mga
kababaihan ang kanilang mga karapatan, pagkakapantay- pantay ng lalaki at babae
at labanan ang diskriminasyon against womens. Bumati rin si Mayor Chipeco ng
Happy Women’s Month sa lahat ng mga kababaihan. Binati naman at kinilala ni
Vice Mayor Ross Rizal ang Gender and Development Council dahil sa mga programa
at proyekto nito para sa mga kababaihan (c/o
Radyo Calambeño).
Bukod sa mga bulaklak, tumanggap rin ng mga chocolates na regalo ang lahat ng
mga kawaning babae handog ni Mayor Chipeco.
Ipinakilala rin sa publiko ang mga
naggagandahang Finalist Contestants para sa Mrs. Gandang Buntis 2014 na ang
Grand Coronation Day ay sa March 14, 2014 sa SM City- Calamba.
Ang ilan pa sa mga programa at
proyekto kaugnay sa month-long celebration ng Women’s Month 2014 ay ang mga
sumusunod; Pampering Moments sa DILG Conference Room- March 3, Free Blood
Chemistry Schedules: March 3, 7, 10, 14, 17, 21, 24, 28 at 31 sa Calamba City
Hall, Mrs. Gandang Buntis 2014 Grand Coronation Day- March 14 sa SM City, Free
Notarial Services for Solo Parent- March 3- 28 sa City Legal Office, Sports
fest for Civic Society Organization- March 28 sa The Plaza, Solo Parent Dinner
Date with Mayor Timmy Chipeco sa March 31 na may temang “Katuwang mo sa inyong
pag-iisa”, Culminating Activity at Physical Fitness sa March 31.
Ang lahat ng mga programa at proyekto
kaugnay sa pagdiriwang ng Women’s Month 2014 ay inihanda ng Gender and
Development Focal Point System, na handog sa mga mamamayan at kababaihan ni
Mayor Justin Marc SB. Chipeco at Sangguniang Panlungsod.
LOUIE LANDICHO/www.calambacityinformationoffice.blogspot.com