Pulong
Konsultasyon sa mga Maralitang Tagalungsod at
Tricycle TODA, Isinagawa
Naunang isinagawa ang Pulong
Konsultasyon para sa mga Maralitang Tagalungsod noong Enero 21, 2014 at
sinundan ng para sa mga Tricycle Operators & Drivers Associations (TODA) noong
Pebrero 4, 2014, ang konsultasyon ay
naisakatuparan sa pamamagitan ng Sectoral Affairs Office sa pangunguna ni Mrs. Millet Revano na ginanap sa Calamba City
Hall.
Sa pagnanais ni Mayor Justin Marc
“Timmy” SB. Chipeco na malaman ang mga pangangailangan at kahilingan ng iba’t-
ibang sector sa lungsod, kung kaya nagkaroon ng Pulong Konsultasyon para sa
iba’t- ibang mga NGO at civic groups. Naunang naisagawa ang Pulong Konsultasyon
para sa mga Maralitang Tagalungsod noong Enero 21, 2014, kung saan ay dinaluhan
ito ng mga officers at leaders ng iba’t- ibang mga grupo ng mga maralita sa
iba’t- ibang mga barangay ng lungsod. Ipinahayag ni Mrs. Millet Revano ang mga
programa at proyekto ng Pamahalaang Panlungsod, tulad ng socialized housing
program, medical at financial assistances, City Charity Ward, Free Dialysis
Session program, senior citizen’s assistance program at marami pang iba.
Ayon sa mensahe ni Mayor Justin Marc
“Timmy” SB. Chipeco, ang nais niya ay malaman ang anumang kahilingan, suliranin
o pangangailangan ng iba’t- ibang mga sector sa lungsod, upang malaman niya ang
mga napapanahon na mga programa at proyekto na kanyang ipatutupad. Gayundin
naman na malaman ng mga mamamayan ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang
Panlungsod ng Calamba.
Sa pagpupulong ay binuo rin ang
magiging bagong samahan na tatawaging PASAMA – Calamba, kung saan ito ang
magiging samahan ng lahat ng mga maralitang tagalungsod sa iba’t- ibang mga
barangay.
Sa pagpupulong naman para sa mga Tricycle
Operators & Drivers Associations (TODA) noong Pebrero 4, 2014, inatasan ni
Mayor Timmy Chipeco ang Public Affairs Office na pinangangasiwaan ni Mr.
Jeffrey Rodriguez upang ayusin ang magiging terminal ng mga tricycle na
miyembro ng TODA sa Crossing Area. Nagkaroon rin ng mungkahi na magkaroon ng
bagong pagbubukas ng mga prangkisa ng tricycle sa lungsod. Ipinahayag rin ng
mga TODA members na dumalo kay Mayor Chipeco ang kani- kanilang mga
pangangailangan o suliranin.
No comments:
Post a Comment