2 Police Mobile
Car at “Sagip Buhay” Ambulance
Ipinagkaloob
ni Mayor Timmy Chipeco
Dalawang
bagong Police Mobile Car ang ipinagkaloob ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB.
Chipeco at Sangguniang Panlungsod para sa Calamba City PNP Station upang
mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod, ang mga ito ay tinanggap ni
Calamba PNP Chief Marvin Saro, habang isang bagong ambulansiya rin ang
ipinagkaloob ni Mayor Chipeco para sa Pamahalaang Panlungsod sa turn-over
ceremony na naganap noong Pebrero 3, 2014.
Ang 2 bagong Police Mobile Car ay makakatulong sa Calamba
PNP sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangang Calambeňo at pagsugpo sa
krimen sa lungsod, habang ang bagong ambulansiya ay makakasagip ng naman ng
buhay ng mga nangangailangan na sila ay madala sa ospital. Ang mga
pangangailangang kagamitan o sasakyan ng mga tanggapan ng Pamahalaang
Panlungsod ay isa sa mga binibigyang tugon ni Mayor Timmy Chipeco at ng
Sangguniang Panlungsod, sa pakikipagtulungan ng Office of the Public Affairs
upang maayos at epektibong makapaglingkod ang pamahalaan sa mga mamamayan nito. LOUIE LANDICHO
No comments:
Post a Comment