Makikita sa larawan sina Mayor Justin Marc "Timmy" SB. Chipeco, Coun. Gigi Alcasid, Vice President Jejomar Binay kasama ng mga vendor sa Calamba public market vendor.
Vice President
Jejomar Binay Bumisita sa
Calamba City
Mainit
na sinalubong at tinanggap nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco, Vice
Mayor Rosseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at ilan sa mga
kawani ng Pamahalaang Panlungsod ang pagbisita ni Vice President Jejomar Binay
sa Calamba City noong Enero 29, 2014.
Ayon sa mensahe ni Vice President
Jejomar Binay, ang kanyang pagbisita sa Calamba City at mga karatig bayan sa
Laguna ay may layunin na makapagpamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga
beneficiaries ng socialized housing program ng National Housing Authority.
Nauna rito ay nagpasalamat si Vice President Binay sa suporta ng mga Calambeňo
sa kanya noong Halalan noong taong 2010, nagpasalamat rin siya kay Mayor Timmy
Chipeco at Sangguniang Panlungsod dahil sa mainit na pagtanggap.
Kasama nina Mayor Justin Marc “Timmy”
SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller H. Rizal, sina City Councilors Moises
Morales, Ma. Virginia Alcasid, Leeanne Aldabe, Luis Vergel Baroro, Peewee Perez
at ABC President Edison Natividad sa pagsalubong kay Vice President Jejomar
Binay na dumating sa Calamba Trade Center noong Enero 29, 2014. Ilan sa mga
department heads, mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod, media groups at mga
mamamayang Calambeňo ay sumalubong rin at nagpa-picture sa ating Bise
Presidente.
Ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba
sa pakikipagtulungan ng National Housing
Authority ay mayroon ring socialized housing program para sa mga Calambeňo na
nakatira sa baybaying ilog at tabing riles na nasa danger o flood prone areas,
ito ay programang pabahay ni Mayor Timmy Chipeco at Sangguniang Panlungsod. LOUIE LANDICHO/www.ccio.blogspot.com
No comments:
Post a Comment