Tuesday, February 25, 2014

Ang mga Patotoo ng bayan Patungkol sa Serbisyo Caravan.




Ang  mga Patotoo ng  bayan Patungkol sa Serbisyo Caravan.

Mayor Timmy Chipeco
Ako po ay bumabati sa ating kauna-unahang serbisyo caravan, gusto kong pasalamatan ang  ating host ang Barangay Pansol sa pangunguna ng ating barangay chairman Dadang dela Cruz. Sa ating mga konsehal, gusto kong malaman ng mga taga barangay Pansol na ito po ay kauna-unahang nangyari dito po sa syudad ng Calamba. Ang serbisyo caravan o mayor’s caravan ay dito po nagsimula sa barangay Pansol at ito po ang magiging serbisyo natin sa ating mga kababayan hindi lamang dito sa barangay Pansol kung hindi sa halos lahat ng barangay  dito po sa syudad ng Calamba. Ako po bilang inyong mayor, isa lang  ang ninanais ko, ang sabi ko , hindi pepwede na uupo ang mayor sa kanyang upuan at maghihintay  ng kung anuman ang magiging problema, kami ang pupunta sa inyo at kami ang magreresolba ng inyong problema dito sa inyong barangay. kaya po kung mapapansin ninyo, nandito po  halos lahat ng departamento ng city government, nandito po  ang  halos lahat ng mga department heads , mga  kasama  sa ating city government na kami po ay bumababa sa inyo,  sapagakat  gusto naming malaman ninyo,mahal namin kayong lahat. Ang aking pakay mga kababayan ko, ang pakay ko ay mapalapit ang serbisyo  ang serbisyo ng ating gobeyerno sa  ating mga tao, kaya  kung ano ang kaya naming gawin ngayon, ay ginagawa naming lahat.may training, mayrong  health, halos lahat meron po.Yung po sa mga civil registry, sa late registration ng birth certificate, ang mga walang birth certificate na gustong magkaroon ng birth certificate, pwede ho naming e process po yan.Yung sa social services naman po . may libreng gupit, manicure , pedicure, pag aaral sa ating manpower, Sa legal, ecg, blood chemistry. Sa IIPESO,  job fair, meron po tayo skills registration program,  city vet, libre pagkakapon, housing, pagdating sa cenro, nagtatanim sila ng mga puno sa solid waste ang tamang waste segration, city tourism, kung makikita nyo mga kababayan, lahat ng mga serbisyo ng ating gobyerno nandito na. Sa mga senior citizens, lahat pero ako po ay nakikusap. Sa inyo pong lahat muli ang aking pasasalamat, mabuhay ang syudad ng Calamba! mabuhay ang serbisyo caravan!
Ito na ang template ng public service natin..ito na ang launching natin at pupunta kami sa mga bara-barangay! mula naman ito sa panayam kay mayor Timmy Chipeco ng Radyo Calambenyo.

Vice Mayor Ross Rizal
Magandang umaga po sa nakikinig ng Radyo Calambenyo,nandito po kami ngayon sa barangay sa opening salvo o pagsisimula ng serbisyo caravan project ng ating minamahal na mayor Timmy Chipeco. Ang Sangguniang Panlungsod sa pngunguna ng inyong lingkod. Isang paraan na lumapit sa tao to bring the government closer to the people.bukas po an gaming pamahalaan na wala po kaming tinatago. Kami po ay magpapatibay ng mga pondo. Kailangan po namin ang inyong pag subaybay. Isang maka Dios at maka Rizal na umaga po sa inyo.

IIPESO Department Head Mr.Peter Capitan
Napakaganda nitong programa ng serbisyo caravan. Ilalapit natin ang programa ng city government sa pangunguna ng ating Punong Lungsod mayor Timmy Chipeco. Siya mismo ang nag-iinterbyu kung ano pa ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Public  Office Head Mr. Jeff  Rodriguez
Ito po ang ating Kick off ng serbisyo caravan. Ito po ay naglalayon na maibaba ang serbisyo ng  ating city government of Calamba sa mga pangangailangan particular sa barangay level.. Ito po ay dumating sa punto na  sa pag aaaral ng ating mayor sa kagustuhan po niya na mailapit ang  kanyang  serbisyo sa ating mamamayan. Sabi po ng ating mayor kung   hindi nyo po siya mapuntahan, siya po ang pupunta  sa ating barangay  para dagliang matugunan ang mga pangangailangan  at dagliang malaman din po ng ating punong lungsod ang mga pangangailangan sa ating grass root level, yan po ang ating mga  barangay. Ito po ay  regular na nakaprograma sa  loob ng isang taon iikotin po namin ang 54 barangay.  Masisiguro po namin na ang mga barangay ay mababaan ng mga serbisyo ng  ating mayor. Gusto ng ating mayor na happy ang mamamayan sa Calamba city.

Kap.Sally Dela Cruz ng Barangay Pansol
Proud na proud po ako na dito ginanap ang serbisyo caravan. Isasama na  po namin sa  kasaysayan ng barangay namin ang nangyaring ito ang pagbabang serbisyo ng butihing mayor Timmy Chipeco. Ang alam ko po ay isa sa pinaka mahusay na paglilingkod ng bawat barangay, noong mangyari ang bagyong Yolanda, tumino sa isipan ko ang mundo ay lalang ng Dios kung ano po nakahubog, hindi po dapat binabago. Ang mundo ay lalang  ng Dios. Naka desenyo po ang mga bundok, gubat at kargatan at mga creek ay dapat iniingat natin ang paraisong bigay sa atin ng Dios.

Kap.Rodney Perez ng Barangay Parian
Napakswerte po natin na mga taga Parian. Tayo po ang inuna. Kung ang taga Calamba ay hapi kay timmy, kami naman na taga parian ay haping-hapy kay timmy.

Gng.Mario Mario Diamante-Pangulo ng Senior Citizens sa Barangay Parian 
Binabati ko po ang magandang programa ng ating butihing mayor at ng Sangguniang panlunsod, nakikita ang liwanag, ang tunay na serbisyo para sa mga taga barangay Parian. Ang gusto kong Iparating sa ating butihing mayor,  Marami pa ang hindi pa member ng senior citizens dahil sa  kakulangan ng ID. Puede po ba natin magawaan ng paraan na ang kanilang senior citizens ID kung maari ay yong tinatawag na lang na voters ID para na lang na magkaroon sila ng senior ID na OSCA…

Mr. Joel Cabactulan-Publisher, Ronda Balita
Napakainit ng pagtanggap ng mga Calambeño dito sa serbisyo Caravan!

Ito naman ang reaksyon ng ating mga kababayan sa Facebook
Esen Lim from USA:Believe na believe ako kay Mayor. I'm here in USA.,the mother of Tess Lim Crisostomo,I'm the auntie of Sonia n Solly Elazegui. Saludo ako sa inyô.Happy Valentine to all Calambenos !
 I'm so happy for the city of Calamba for having a mayor so dedicated to his work. Congrats!
Wasn't able to visit the city hall last time I was in Calamba, sayang, didn't see the mayor up close and personal! Way to go Mayor!
Belinda Atienza: I just saw the new city hall, very nice!
Mila Olivo Ayos anak gudJob
John Renan Bandola Tuazon Nakaka miss ang bayan kong sinilangan..

Jojo Busayong/Radyo Calambenyo/www.calambacityinformationoffice.blogspot.com

Wednesday, February 19, 2014

Serbisyo Caravan


Makikita sa larawan sina Mayor Justin Marc "Timmy" SB. Chipeco, Coun. Gigi Alcasid, Vice President Jejomar Binay kasama ng mga vendor sa Calamba public market vendor.

Vice President Jejomar Binay Bumisita sa Calamba City

Mainit na sinalubong at tinanggap nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco, Vice Mayor Rosseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at ilan sa mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod ang pagbisita ni Vice President Jejomar Binay sa Calamba City noong Enero 29, 2014.

          Ayon sa mensahe ni Vice President Jejomar Binay, ang kanyang pagbisita sa Calamba City at mga karatig bayan sa Laguna ay may layunin na makapagpamahagi ng mga titulo ng lupa sa mga beneficiaries ng socialized housing program ng National Housing Authority. Nauna rito ay nagpasalamat si Vice President Binay sa suporta ng mga Calambeňo sa kanya noong Halalan noong taong 2010, nagpasalamat rin siya kay Mayor Timmy Chipeco at Sangguniang Panlungsod dahil sa mainit na pagtanggap.

          Kasama nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller H. Rizal, sina City Councilors Moises Morales, Ma. Virginia Alcasid, Leeanne Aldabe, Luis Vergel Baroro, Peewee Perez at ABC President Edison Natividad sa pagsalubong kay Vice President Jejomar Binay na dumating sa Calamba Trade Center noong Enero 29, 2014. Ilan sa mga department heads, mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod, media groups at mga mamamayang Calambeňo ay sumalubong rin at nagpa-picture sa ating Bise Presidente.

          Ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pakikipagtulungan ng  National Housing Authority ay mayroon ring socialized housing program para sa mga Calambeňo na nakatira sa baybaying ilog at tabing riles na nasa danger o flood prone areas, ito ay programang pabahay ni Mayor Timmy Chipeco at Sangguniang Panlungsod.          LOUIE LANDICHO/www.ccio.blogspot.com


Pulong Konsultasyon sa mga Maralitang Tagalungsod at Tricycle TODA, Isinagawa


            Naunang isinagawa ang Pulong Konsultasyon para sa mga Maralitang Tagalungsod noong Enero 21, 2014 at sinundan ng para sa mga Tricycle Operators & Drivers Associations (TODA) noong Pebrero 4, 2014,  ang konsultasyon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng Sectoral Affairs Office sa pangunguna ni Mrs. Millet Revano na ginanap sa Calamba City Hall.

            Sa pagnanais ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco na malaman ang mga pangangailangan at kahilingan ng iba’t- ibang sector sa lungsod, kung kaya nagkaroon ng Pulong Konsultasyon para sa iba’t- ibang mga NGO at civic groups. Naunang naisagawa ang Pulong Konsultasyon para sa mga Maralitang Tagalungsod noong Enero 21, 2014, kung saan ay dinaluhan ito ng mga officers at leaders ng iba’t- ibang mga grupo ng mga maralita sa iba’t- ibang mga barangay ng lungsod. Ipinahayag ni Mrs. Millet Revano ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlungsod, tulad ng socialized housing program, medical at financial assistances, City Charity Ward, Free Dialysis Session program, senior citizen’s assistance program at marami pang iba.

            Ayon sa mensahe ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco, ang nais niya ay malaman ang anumang kahilingan, suliranin o pangangailangan ng iba’t- ibang mga sector sa lungsod, upang malaman niya ang mga napapanahon na mga programa at proyekto na kanyang ipatutupad. Gayundin naman na malaman ng mga mamamayan ang mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba.

            Sa pagpupulong ay binuo rin ang magiging bagong samahan na tatawaging PASAMA – Calamba, kung saan ito ang magiging samahan ng lahat ng mga maralitang tagalungsod sa iba’t- ibang mga barangay.

Sa pagpupulong naman para sa mga Tricycle Operators & Drivers Associations (TODA) noong Pebrero 4, 2014, inatasan ni Mayor Timmy Chipeco ang Public Affairs Office na pinangangasiwaan ni Mr. Jeffrey Rodriguez upang ayusin ang magiging terminal ng mga tricycle na miyembro ng TODA sa Crossing Area. Nagkaroon rin ng mungkahi na magkaroon ng bagong pagbubukas ng mga prangkisa ng tricycle sa lungsod. Ipinahayag rin ng mga TODA members na dumalo kay Mayor Chipeco ang kani- kanilang mga pangangailangan o suliranin.

Sa pamamagitan ng Sectoral Affairs Office, ang lahat ng mga suliranin, pangangailangan o kahilingan ng iba’t- ibang mga sector ay kanilang ipapaabot sa kaalaman ni Mayor Timmy Chipeco, ang lahat ng mga ito ay bibigyan ng katugunan o solusyon ni Mayor Timmy Chipeco. Ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba ay patuloy na sumusuporta at magiging kabalikat ng iba’t- ibang mga sector sa lungsod upang mapaunlad ang kani- kanilang hanay. LOUIE LANDICHO / www.ccio.blogspot.com
Makikita sa larawan si Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco habang tinatanggap ang Seal of Good Housekeeping Silver Grade Award Plaque mula kay DILG Provincial Director Mr. Lionel Dalope noong Enero 27, 2014 sa Calamba City Hall. Sinaksihan naman ito nina Vice Mayor Rosseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at DILG City Director Ms. Lenie Bautista.

Calamba City tumanggap ng Seal of Good Housekeeping Silver Grade Award

          Tinanggap ni Calamba City Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco ang Seal of Good Housekeeping Silver Grade Award mula kay Provincial Director Mr. Lionel Dalope ng Department of Interior and Local Government noong Enero 27, 2014 sa Calamba City Hall sa okasyon ng flag raising ceremony.

            Ang plake ay ipinagkaloob kay Mayor Timmy Chipeco ni Provincial Director Mr. Lionel Dalope kaharap nina DILG City Director Ms. Lenie Bautista, City Vice Mayor Rosseller H. Rizal, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod. Ito ay may kasamang cash award na nagkakahalaga ng 3 milyong piso.

            Ang award ay natanggap ng Lungsod ng Calamba dahil sa patuloy na pagpapatupad ng maayos na serbisyo publiko at pagtalima ng Pamahalaang Panlungsod sa mga alituntunin ng DILG at Civil Service Commission. Ilan sa mga serbisyong ito ay ang Business One Stop Shop (BOSS), Modernizing Revenue Enhancement System (MRES), Full Disclosure Bulletin Board, No Lunch Break Policy at paglalagay ng feedback at evaluation box sa bawat tanggapan ng City Hall. Ang mga nasabing serbisyo ay bahagi ng Anti- Fixer at Anti- Red Tape Campaign ng Pamahalaang Panlungsod upang mapangalagaan ang mga mamamayan. Ilan pa sa mga serbisyo at programa na nakatakdang ipatupad ni Mayor Timmy Chipeco ay ang “Serbisyo Caravan” sa mga barangay ng lungsod at paglalagay ng Free Wi-Fi Services sa Calamba City Hall Building. Nakatakda ring maglagay ng lactating room o area sa City Hall para sa mga nanay na nagpapasuso sa kanilang anak. Mayroon na ring special lane ang bawat tanggapan para sa mga Person with Disability at Senior Citizen.

            Ayon sa mensahe ni  Mayor Timmy Chipeco, hinikayat niya ang mga kawani ng Pamahalaang Panlungsod na magkaisa at magkatulungan, “help our people and I will help you, help each other and this award is for all of the employees of the City Government of Calamba.”

Nauna nang nakatanggap ng Seal of Good Housekeeping Award mula sa DILG ang Calamba City noong panahon ng panunungkulan ni dating Mayor at ngayon ay Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr. Patuloy na nagsisikap ang Pamahalaang Panlungsod na mapadali, mapaayos at epektibong maipatupad ang mga serbisyo publliko sa mga mamamayan nito.                LOUIE LANDICHO/ ccio.blogspot.com

Tuesday, February 18, 2014

Serbisyo Caravan handog ni Mayor Timmy Chipeco, Sinimulan sa Barangay Pansol

Serbisyo Caravan handog ni Mayor Timmy Chipeco,

Sinimulan sa Barangay Pansol

Sinimulan ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ng Calamba ang Serbisyo Caravan na ginanap sa Barangay Pansol Covered Court noong Pebrero 5, 2014. Tinatayang mahigit sa isang libong residente ng Barangay Pansol at mga karatig- barangay ang napagkalooban ng mga serbisyo at tugon sa kanilang mga problema at pangangailangan.

            Ayon sa mensahe ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco, “hindi ako ang Mayor na uupo sa opisina at maghihintay ng magsasabi ng mga problema ng mga mamamayan, kami ang lalapit sa inyo upang malaman ang inyong mga pangangailangan at problema”. Ito ang layunin ng pagbibigay ng Serbisyo Caravan, ang mailapit sa mga mamamayan ang mga serbisyo na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlungsod.

            Matagumpay na sinimulan at pinangunahan nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller H. Rizal, kasama ang mga Department Heads at kawani ng Pamahalaang Panlungsod ang Serbisyo Caravan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Pansol sa pamumuno ni Barangay Chairwoman Sally Dela Cruz. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan ni Barangay Chairwoman Sally “Dadang” Dela Cruz si Mayor Justin Marc Chipeco at Sangguniang Panlungsod dahil sa Barangay Pansol inilunsad at sinimulan ang programa.

Kabilang sa mga departamento o tanggapan na nagbigay ng kanilang libreng serbisyo publiko ay ang mga sumusunod; Housing Department, Legal Office, City Planning & Development Office, City Health Office, City Civil Registry Office, City Veterinary Office, City Agriculture Office, City Cooperative & Livelihood Department, City Environment & Natural Resources Office, City Social Services & Youth Development Office, City Nutrition Office, Information, Investment Promotions & Employment Services Office, City Assessor’s Office, Calamba Manpower Development Center, Office for the Senior Citizens Affairs, Business Permit & Tricycle Franchising Office, Mayor’s Office, Administration Office, Public Affairs Office, City Tourism Office at iba pa. Ang Serbisyo Caravan na ito ay One Stop Shop program handog ni Mayor Timmy Chipeco kung saan ito ay gaganapin sa iba’t- ibang mga barangay ng lungsod para sa buong taong 2014 at sa susunod pang mga taon. Layunin nito na makapagbigay ng kaukulang serbisyo, matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at mailapit ang mga programa at proyekto ng pamahalaan sa mga mamamayan.

Ilan sa mga serbisyo na naipagkaloob sa mga residente ng Barangay Pansol at mga karatig na barangay ay ang libreng medical at dental check up, libreng haircut, manicure, pedicure at reflexology, libreng konsultasyong legal, assessment at business permit processing, libreng pa-rehistro ng birth, marriage o death certificate at iba pa, libreng seminar ukol sa livelihood, vocational courses, nutrition at solid waste management, libreng pets vaccinations, libreng seeds at iba pang agricultural inputs at nagsagawa rin ng Job Fair. Nakatakda naman magbigay ng sampung unit ng bahay mula sa socialized housing program ni Mayor Chipeco para sa mga mapalad at karapat- dapat na residente ng Barangay Pansol ang City Housing Department.  

Ang Serbisyo Caravan at si Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco, kasama ng mga Department Heads at kawani ng Pamahalaang Panlungsod ay nakatakdang bumisita sa inyong mga barangay upang maghatid ng mga programa at proyekto para sa mga Calambeňo.   LOUIE LANDICHO

2 Police Mobile Car at “Sagip Buhay” Ambulance
Ipinagkaloob ni Mayor Timmy Chipeco

Dalawang bagong Police Mobile Car ang ipinagkaloob ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at Sangguniang Panlungsod para sa Calamba City PNP Station upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa lungsod, ang mga ito ay tinanggap ni Calamba PNP Chief Marvin Saro, habang isang bagong ambulansiya rin ang ipinagkaloob ni Mayor Chipeco para sa Pamahalaang Panlungsod sa turn-over ceremony na naganap noong Pebrero 3, 2014.

          Ang 2 bagong Police Mobile Car ay makakatulong sa Calamba PNP sa kanilang pagresponde sa mga nangangailangang Calambeňo at pagsugpo sa krimen sa lungsod, habang ang bagong ambulansiya ay makakasagip ng naman ng buhay ng mga nangangailangan na sila ay madala sa ospital. Ang mga pangangailangang kagamitan o sasakyan ng mga tanggapan ng Pamahalaang Panlungsod ay isa sa mga binibigyang tugon ni Mayor Timmy Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod, sa pakikipagtulungan ng Office of the Public Affairs upang maayos at epektibong makapaglingkod ang pamahalaan sa mga mamamayan nito.          LOUIE LANDICHO