Monday, April 28, 2014

LABOR DAY JOB FAIR, ISASAGAWA SA CALAMBA CITY



         Ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamumuno ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ay magsasagawa ng Local & Overseas Job Fair na may temang “Trabaho Sa Bawat Calambeño” na gaganapin sa SM City Calamba Cyberzone, 2nd Floor Level sa Labor Day, Mayo 1, 2014, ito ay sa pamamagitan ng Information, Investment Promotions & Employment Services Office (IIPESO), Department of Labor & Employment (DOLE- Region IV-A) at ng SM City Calamba.

          Ayon kay IIPESO Department Head Mr. Peter C. Capitan, ang Labor Day Job Fair ay taunan nang isinasagawa ng Department of Labor & Employment sa pamamagitan ng mga PESO Office sa buong bansa. Para sa mga residente ng Laguna, ito ay isasagawa sa SM City Calamba, SM City Sta. Rosa at SM City San Pablo, dagdag pa ni Mr. Capitan.

          Ang Job Fair na ito ay lalahukan ng mga local, multi-national companies para sa local employment at mga overseas manpower agencies para sa overseas employment.  Ang mga fresh graduates, skilled workers at lahat ng mga mamamayan na nangangailangan ng trabaho ay hinihikayat na makiisa sa Job Fair na ito na magsisimula ng ganap na 8:00 ng umaga hanggang hapon ng Mayo 1, 2014, ayon pa rin ito kay IIPESO Department Head Mr. Capitan.
(LOUIE LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).

S.P.E.S. Orientation, Isinagawa ng IIPESO Office








Isinagawa ng Information, Investment Promotions & Employment Services Office (IIPESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor & Employment (DOLE- Region IV-A) ang Orientation program para sa mahigit na pitong daang (700) mag-aaral na beneficiaries ng Special Program for the Employment of Students (S.P.E.S.) at ng Special Program for the Employment of Disabled Students (S.P.E.D.) para naman sa mga mag-aaral na may mga kapansanan. Ang Orientation program ay dinaluhan nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, City Councilors Santiago Atienza, Ruth Mariano Hernandez at Ma. Virginia Alcasid at DOLE- Region IV-A Senior Officer Mrs. Malabanan, na pinangasiwaan naman ng IIPESO Office sa pangunguna ni IIPESO Department Head Mr. Peter C. Capitan na ginanap sa L.L.C. Auditorium ng Calamba Elementary School noong Abril 22, 2014.
Nagbigay ng kani- kanilang mensahe sina Mayor Chipeco, Vice Mayor Rizal at mga City Councilors na dumalo sa programa. Ayon kay Mayor Chipeco, marapat lamang na huwag sayangin ng mga kabataan ang mga pagkakataon na nagkakaroon ng ganitong programa ang pamahalaan na malaki ang kanilang maitutulong para sa kanilang mga magulang sa  kanilang mga gastusin sa pag-aaral kaysa nasa bahay lamang sa panahon ng bakasyon. Sinabi rin ni Mayor Chipeco sa kanyang mensahe na sinisikap ng Pamahalaang Panlungsod na makapagbigay ng serbisyo para sa mga mamamayan kung kaya naman ay patuloy na isinasagawa ang Serbisyo Caravan sa mga barangay ng lungsod dahil hangad niya na mapaayos at mapaganda ang lungsod. Ayon naman kay Vice Mayor Rizal, na ang tagumpay ay makakamit ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pangarap at ito ay naaayon sa kanilang pagsisikap na makamit ito. Nagbahagi rin ng kani- kanilang mensahe ng tagumpay ang mga dating beneficiaries ng SPES/ SPED program upang mabigyan ng inspirasyon ang mga bagong beneficiaries.
Ayon naman kay DOLE- Region IV-A Senior Officer Mrs. Malabanan, mapalad ang mga Calambeňo dahil ang Pamahalaang Panlungsod ng Calamba ay pinaka- supportive sa mga programa at proyekto na tulad nito na ang higit na nakikinabang ay ang mga mamamayan. Binigyan pansin naman ni IIPESO Department Head Mr. Peter Capitan sa kanyang mensahe ang mga SPES Program duties & responsibilities, salaries briefing para sa kaalaman ng mga mag-aaral at magulang.
Ang Special Program for the Employment of Students (S.P.E.S.) at ang Special Program for the Employment of Disabled Students (S.P.E.D.) ay programa para sa mga mag-aaral na magkaroon “Summer Jobs” tuwing bakasyon na ang kanilang magiging salary rito ay makakatulong naman sa kanilang mga magulang sa kanilang mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Ang programang ito ay isinakatuparan sa pakikipagtulungan ng IIPESO Office at DOLE- Region IV-A sa pagsuporta nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr.
(LOUIE LANDICHO/ www.facebook.com/calambacityinformationoffice).

Sunday, April 20, 2014


Ika- 13 Taong Anibersaryo ng pagiging Lungsod ng Calamba, Ipagdiriwang ngayong Araw, Buhayani Festival, Ilulunsad


          Ipagdiriwang ngayong araw na ito, April 21, 2014 ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pangunguna nina Mayor Justin Marc SB. Chipeco, Vice Mayor Roseller H. Rizal, Sangguniang Panlungsod at Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr. ang ika- 13 Taong Anibersaryo ng pagiging lungsod nito na gaganapin sa Calamba City Hall. Ipapahayag ni Mayor Justin Marc SB. Chipeco ang kanyang State of the City Address o ang taunang pag-uulat sa bayan. Ilulunsad rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pamamagitan ng City Tourism, Cultural Affairs & Sports Development Office ang Buhayani Festival.

            Sa kanyang State of the City Address, inaasahang ipahahayag ni  Mayor Justin Marc SB. Chipeco ang mga accomplishment report ng nakaraang mga taon, ang mga kasalukuyang mga ipinatutupad na programa at proyekto ng Pamahalaang Panlungsod tulad ng Serbisyo Caravan at iba pa, inaasahan rin ng ipahahayag rin ni Mayor Justin Marc “Timmy” Chipeco ang mga magagandang mga mangyayari sa hinaharap ng lungsod tulad ng pagiging Regional Government Center at ang pagpapagawa ng Calamba City Sports & Multipurpose Center at marami pang iba.

            Ilulunsad rin ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba ang Buhayani Festival kung saan itatampok rito ang kuwento at mga aral mula sa buhay at kabayanihan ng ating Pambansang Bayani na si Gat. Jose P. Rizal sa pamamagitan ng isang festival.  

            Naging ganap na lungsod ang Calamba noong April 21, 2001 sa bisa ng Republic Act No. 9024 na naisabatas sa pamamagitan ni Laguna 2nd District Congressman Joaquin M. Chipeco, Jr., ang ama ng Calamba Cityhood.

            Inaasahan na dadaluhan ang pagdiriwang na ito ng mga Opisyales at mga Kawani ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba, mga kinatawan mula sa mga barangay, Department of Education, mga kabataan, NGO’s at mga mamamayang Calambeňo. (LOUIE LANDICHO, CALAMBALITA)

Sunday, April 13, 2014

Oplan SUMVAC 2014 inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba




Oplan SUMVAC 2014 inilunsad ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba

Pormal na inilunsad nina Calamba City Vice Mayor Roseller H. Rizal,Retired Col. Nestor Dela Cueva (OIC-POSO) at Mr. Andy Desepida ng CCTMO ang Oplan Summer Vacation 2014 sapakikipagtulungan ng Mayor's Office, IIPESO Office, GSO Office, City Health Office, Calamba City PNP, BFP-Calamba, ilan sa mga Non Government Organization (NGO's) sa lungsod at mga Sangguniang Barangay na maaaring pasyalan at mapagbakasyunan ng mga turista partikular ang mga Barangay ng Pansol, Bucal at Bagong Kalsada ngayong araw Abril 14, 2014.

Sisimulan ang Lakbay- Alalay sa mga motorista at turista mula Abril 16 hanggang Abril 20, 2014 sa mga pangunahing lansangan tulad ng National Highway mula sa Barangay Halang hanggang Bagong Kalsada, gayundin sa National Highway mula sa Barangay Real hanggang Makiling. Sa mga nabanggit na lugar ay magkakaroon ng mga Booth para sa mga Medical Assistance, Information at Emergency Response Team.

Ang Oplan SUMVAC 2014 ay programa ng Pamahalaang Panlungsod ng Calamba sa pangunguna ni Mayor Justin Marc "Timmy" SB. Chipeco.

Para sa mga karagdagang detalye at emergency assistance ay makipag- ugnayan sa mga numero bilang (049) 545- 6789 local 8024-8026.