Serbisyo
Caravan handog ni Mayor Timmy Chipeco,
Sinimulan sa
Barangay Pansol
Sinimulan
ni Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at ng Sangguniang Panlungsod ng
Calamba ang Serbisyo Caravan na ginanap sa Barangay Pansol Covered Court noong
Pebrero 5, 2014. Tinatayang mahigit sa isang libong residente ng Barangay
Pansol at mga karatig- barangay ang napagkalooban ng mga serbisyo at tugon sa
kanilang mga problema at pangangailangan.
Ayon sa mensahe ni Mayor Justin Marc
“Timmy” SB. Chipeco, “hindi ako ang Mayor na uupo sa opisina at maghihintay ng
magsasabi ng mga problema ng mga mamamayan, kami ang lalapit sa inyo upang
malaman ang inyong mga pangangailangan at problema”. Ito ang layunin ng
pagbibigay ng Serbisyo Caravan, ang mailapit sa mga mamamayan ang mga serbisyo
na ipinagkakaloob ng Pamahalaang Panlungsod.
Matagumpay na sinimulan at
pinangunahan nina Mayor Justin Marc “Timmy” SB. Chipeco at Vice Mayor Rosseller
H. Rizal, kasama ang mga Department Heads at kawani ng Pamahalaang Panlungsod
ang Serbisyo Caravan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Pansol sa
pamumuno ni Barangay Chairwoman Sally Dela Cruz. Sa kanyang mensahe,
pinasalamatan ni Barangay Chairwoman Sally “Dadang” Dela Cruz si Mayor Justin
Marc Chipeco at Sangguniang Panlungsod dahil sa Barangay Pansol inilunsad at
sinimulan ang programa.
Kabilang sa mga departamento o
tanggapan na nagbigay ng kanilang libreng serbisyo publiko ay ang mga
sumusunod; Housing Department, Legal Office, City Planning & Development
Office, City Health Office, City Civil Registry Office, City Veterinary Office,
City Agriculture Office, City Cooperative & Livelihood Department, City
Environment & Natural Resources Office, City Social Services & Youth
Development Office, City Nutrition Office, Information, Investment Promotions
& Employment Services Office, City Assessor’s Office, Calamba Manpower
Development Center, Office for the Senior Citizens Affairs, Business Permit
& Tricycle Franchising Office, Mayor’s Office, Administration Office,
Public Affairs Office, City Tourism Office at iba pa. Ang Serbisyo Caravan na
ito ay One Stop Shop program handog ni Mayor Timmy Chipeco kung saan ito ay
gaganapin sa iba’t- ibang mga barangay ng lungsod para sa buong taong 2014 at
sa susunod pang mga taon. Layunin nito na makapagbigay ng kaukulang serbisyo,
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at mailapit ang mga programa
at proyekto ng pamahalaan sa mga mamamayan.
Ilan sa mga serbisyo na naipagkaloob
sa mga residente ng Barangay Pansol at mga karatig na barangay ay ang libreng
medical at dental check up, libreng haircut, manicure, pedicure at reflexology,
libreng konsultasyong legal, assessment at business permit processing, libreng
pa-rehistro ng birth, marriage o death certificate at iba pa, libreng seminar
ukol sa livelihood, vocational courses, nutrition at solid waste management,
libreng pets vaccinations, libreng seeds at iba pang agricultural inputs at
nagsagawa rin ng Job Fair. Nakatakda naman magbigay ng sampung unit ng bahay
mula sa socialized housing program ni Mayor Chipeco para sa mga mapalad at
karapat- dapat na residente ng Barangay Pansol ang City Housing Department.
Ang Serbisyo Caravan at si Mayor
Justin Marc “Timmy” Chipeco, kasama ng mga Department Heads at kawani ng Pamahalaang
Panlungsod ay nakatakdang bumisita sa inyong mga barangay upang maghatid ng mga
programa at proyekto para sa mga Calambeňo.
LOUIE LANDICHO
No comments:
Post a Comment